Economic managers kinalampag ni PNoy

KINALAMPAG ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang kanyang economic managers na matamang pag-aralan ang lahat ng mga opsyon para maibsan ang epekto ng pagtataas sa presyo ng langis.

Sinabi ng Chief Executive na kailangang pag-aralan ang wage increase, price control at pagbabawas sa oil VAT.

Aniya, lahat ng maaaring gawin para ma-mitigate ang mataas na presyuhan sa produktong petrolyo ay gagawin basta tunay na makakatulong at hindi pa-pogi lamang.

Malaki ang posibilidad na sa susunod na linggo umano isusumite ng economic managers ang kanilang rekomendasyon.

“Lahat naman pinag-aaralan. Kung puwede ba ang wage increase, kung puwede ba ang price control, kung puwede bang bawasan ang VAT,” ang pahayag ni Pangulong Aquino.

Pero sa kasunod ding panayam kay Budget Secretary Butch Abad, nilinaw nitong tutol sila sa pagbabawas sa VAT ng langis.

Iginiit ni Abad na negatibo ang epekto nito sa ekonomiya at kailangan ang dagdag na koleksyon para sa mga mahahalagang programa ng gobyerno.

“The economic advisers advised him that reducing the VAT may not be the most direct and effective way of helping our people. It might even have some adverse consequences on our fiscal position,” ani Abad. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply