Mediaman kalaboso sa Baguio

KALABOSO ang isang mediaman sa Baguio City Jail makaraang atakehin niya umano ang isang pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Ayon sa inisyal na ulat, kinilala ang mediaman na si Raymund Morales Manzano, 43, vice president for operations at associate editor ng pahayagang Pinoy Parazzi na may panulukan sa Panay Ave. Quezon City.

Kinasuhan ni SPO2 Benjamin Nakigo ng Compaq 1 ng Station 7 ng Baguio City Police Office ng assault an agent of person in authority o paglabag sa City Ordinance #8 o Anti-Smoking Ordinance si Manzano

Nabatid na sinita si Morales ng nasabing pulis dahil umano sa paninigarilyo sa overpass sa naturang lungsod noong Abril 16.

Kinabukasan, tinungo ni Manzano ang istasyon ng pulis at hinanap si SPO2 Nakigo.

Nang makita ang pulis, agad umanong hinila nito ang ulo.

Kasalukuyang nakapiit si Manzano sa utos ni Prosecutor Evelyne Tagudar. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply