Electric bill ng Meralco tataas ngayong buwan

INAASAHANG tataas ang electric bills ng mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) nitong kasalukuyang buwan dahil tumaas ng 20.13 sentimo kada kilowatt-hour (kWh) hanggang P5.0474 kada kWh ang generation charge.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, ang pagtataas ng singilin sa kuryente ay kasabay din ng pagtataas ng presyo ng langis, pagkain, toll at pamasahe at sa lahat ng panungahing pangangailangan at serbisyo.

Dahil dito, hinikayat ni Casiño ang Kongreso ng agarang pagsasagawa ng hakbangin na hindi magpatumpik-tumpik habang ang Meralco at ang perfomance-based regulation (PRB) ay patuloy ang pagsasagap ng milyones mula sa mga consumers.

Ayon sa mambabatas, mula nang itinalaga ang PRB ng Energy Regulatory Commission, lalong tumaas ang singil ng Meralco ng per kWh distribution rates.

Mula P0.9657 noong 2003, hanggang P1.2227 noong May 2009, hanggang P1.4917 noong May 2010, hanggang P1.6464 nitong taon ang bawat  kilowatthour sa distribution rates.

Lalo pang maging P1.9036 sa taong 2015 ang rate na P0.7957 per kWh noong 2003 sa ilalon ng Return on Rate Base (RORB), ayon pa kay Casiño.

Dagdag pa ni Casiño, ang Meralco ay patuloy ng pagtaas ng net earning nito kung saan noong 2008 ay may kitang P2.7; P6 billion (2009) at P12 billion (2010) at maituturing itong pagiging kasakiman sa kapahintulutan ng gobyerno.

Taong 2010, nagposte ang Meralco ng 80 percent surge in profits sa 3-percent growth sa customer base, at 11-percent pagtatas ng sales volume (gwh).

Para naman sa isyung industriya, hinikayat din ng solon ang House Committee on Ways and  Means at ang Committee on Energy ng agarang pagsasagawa ng pagkalap ng mga mungkahing maaring maganap na solusyon upang matigil ang patuloy na pagtatas ng presyo ng mga bayarin sa kuryente at sa langis.

“For the 11th time this year, oil firms raised prices of gasoline. This time, by 25 centavos per liter. That is a cumulative increase of P7.50 a liter. We legislators should buckle down to work to help put a stop to these price hikes as the P450 million transport subsidy of the Palace is definitely not enough,” ani Casiño. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply