Embahada gawing OFW defense centers

ISINULONG ni Cagayan Rep. Jack Enrile na gawing OFW Defense Centers ang mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa.

Sa kanyang panawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng kongresista na dapat ikonsidera ang panukala dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Aniya, hindi dapat ikahon ng DFA sa gampaning pang-diplomatiko ang mga embahada kundi mas bigyang pansin ang pagtiyak sa legal na karapatan ng mga OFW upang maipatanggol ang mga ito sa iba’t ibang kaso na kinakaharap.

“Are the legal rights of those waiting in death rows in various countries given appropriate legal defense or are they now in death row because their rights were not defended in a foreign country whose legal system may not be similar with the Philippines?”

Umapela rin si Enrile sa Administrasyong Aquino na linawin ang foreign policy ng Pilipinas gayundin ang “interests in evolving global social order and the DFA should be reorganize to reflect that foreign policy that gives primacy on supporting and protecting OFWs.”

Binigyang diin ni Enrile na ilang beses nang nakaligtas ang Pilipinas sa pandaigdigang “economic meltdowns” dahil sa malaking padala ng mga OFWs sa kaniyang mga kaanak ditto sa bansa.

Base sa tala ng gobyerno, ang remittances na ipinapasok o ipinadadala ng mga Pinoy sa bangko ay umaabot na sa $4.339 bilyon mula Enero hanggang buwan ng Marso nito lamang 2011 o mas mataas ng $282 milyon sa nairehistrong $4.057 bilyon noong nakaraang taon.

Giit pa ng mambabatas na posibleng meron  pang sumunod na mga pagbitay sa mga OFW sa ibang bansa subalit hindi aniya ito dapat maging sagabal upang huminto ang administrasyong Aquino sa paggawa at paglatag ng mga pamamaraan upang iligtas ang mga OFW bago pa man ang paghatol. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply