Emergency meeting dapat gawin ni PNoy

DAPAT nang magpatawag ng emergency meeting si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang mga gabinete at iba pang economic managers upang maglatag ng plano kung paano maiibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ang panawagan ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones sa halip na pagplanuhan kung paano bibigyan ng Kongreso ng emergency powers si Pangulong Aquino.

Giit ni Palmones dapat i-convene muna ng punong ehekutibo ang kanyang matataas na opisyal at talakayin ang isyu bago pa man ito lumala.

“Before talking about emergency powers to solve the current crises, Pnoy should call first an emergency meeting of his Cabinet and top economic strategies or even a stakeholders’ summit. Emergency power is irrelevant without full grasp of the real problems,” ayon kay Palmones.

Sa panig naman ng minorya sa Kamara, sinabi ni House Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Ma. Milagros “Mitos” Magsaysay kailangang magpasiya na si Pangulong Aquino kung tatanggalin o babawasan ng gobyerno ang value added tax (VAT) sa langis.

Maging si Ang Galing party-list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo ay umapela na kay PNoy na agad tanggalin ang VAT sa produktong petrolyo.

Binigyang diin ni Mikey na balewala ang lahat ng ipatutupad na subsidiya sa sobrang taas at patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Nauna rito ay sinabi ni Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr.na bukas ang Kamara sa panukalang bigyan ng emergency powers si PNoy upang agaran nitong masolusyon an ang krisis ng langis sa bansa.

Subalit tahasan itong tinutulan nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tanada III ng Quezon sa pagsasabing may sapat na kapangyarihan ang presidente upang harapin ang usaping ito. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply