Enrico Roque ‘kalaguyo’ ni Mayor Patrick Meneses, tweet ni Aiko Melendez?

KITANG-kita namin kung paano nanginginig sa galit ang Mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses matapos ang live interview niya sa “Paparazzi” last Sunday.

May mga naglabasang kung anu-anong malisyosong tsismis gaya ng diumano’y estudyante pa lang daw ay gay na si Mayor Patrick Meneses, na kesyo may relasyon daw sila ng isa pang prominenteng tao na si Enrico Roque.  Bagay na ikinagulat raw talaga ng binatang pulitiko.

Tahimik dati ang buhay niya at smooth- sailing ang takbo ng kanyang political career.  Pinagsisisihan ba niya na na-involve siya sa isang Aiko Melendez?

“Let’s put it this way.  Everything happens for a reason.  Kung ito ay para sa akin na mangyari, at magsilbing aral sa akin, so be it.”

Paano kung magparamdam si Aiko na gusto nito na magkausap sila at i-deny ang tungkol sa nadiskubre niyang pagmamanipula nito ng paninira sa kanya?

“Hindi ko alam kung paano niya idi-deny.  Patunayan niya sa korte.  I-deny niya sa korte,”mariing sabi na lang ni Mayor Patrick Meneses. ‘Yon!

“May pagkatao ako na iniingatan.  May bayan ako na pinaglilingkuran.  Tapos ‘yong mga ini-involve doon na pangalan, mga pouitiko rin, eh.  Kaya ito definitely, dadalhin ko sa korte.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply