Eroplano patungong Roma hinijack

ISANG lalaki ang nagtangkang hijackin ang isang eroplano ng Alitalia sa pamamagitan ng isang maliit na patalim kung saan tinutukan ang isang babaing flight attendant sa leeg.

Nabatid na galing ang naturang eroplano sa Paris patungong Roma. Nais umano ng hijacker na ilipad ang eroplano patungong Libya subalit pinagtulungan ng mga attendant at mga lalaking pasahero na maagaw ang hawak niyang patalim.

The man grabbed the stewardess from behind her back and pointed the knife. She was in difficulty and tried to turn around,” ayon sa pasaherong si Sofia.

“He held her for just a few minutes and then the other flight attendants intervened and passengers helped hold the man to the floor,” ayon naman sa isa pang pasaherong si Stefanie.

Kaagad naman inaresto ng mga pulis ang suspek pagkalapag ng eroplano sa Roma. Ang suspek ay isang 48-taong gulang na Kazakhstan at nagtatrabaho sa Paris.

Samantalang ang babaing flight attendant ay dinala agad sa first aid station ng paliparan para gamutin ang mga galos nito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply