Esmi ng retiradong heneral tepok sa kawatan

HINA-HUNTING ngayon ng mga pulis ang dalawang motorcycle-riding robbers na pumatay sa asawa ng isang retired general sa Laguna, Miyerkules, Abril 20.

Ayon sa report ng dzRH, naganap ang pamamaril sa Jupiter Street sa San Vicente village, San Pedro, Laguna bandang 6:45 a.m. ng Miyerkules.

Nakilala ang biktima base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na si Noemi Silvestre, asawa ni retired Brig. Gen. Celso Silvestre.

Nabatid na kasama ng retiradong heneral si Noemi sa kanilang kotse nang maganap ang insidente kung saan pinaputukan ng kalibre 45 ng mga salarin ang biktima sa ulo nito.

Agad namang tumakas ang mga salarin tangay ang bag na may lamang teller machine (ATM) cards, cell phones at check book. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply