Estapador na nagtago sa batas, natiklo

BUMAGSAK sa mga tauhan ng Navotas police warrant section ang empleyadong mahigit ng isang taong nagtatago sa batas matapos dahil sa umano’y paglulustay nito sa pera ng pinaglilingkurang kumpanya sa C-4 Bagong Bayan South Navotas City, noong Abril 26.

Nadakip ang suspek na si Manuel Ranile, legal age, empleyado ng  Mellmade Manufacturing Corpo. at residente ng 533 Bagong Bayan South Navotas, ganap na alas-0tso ng gabi sa harap ng Kids & Mom store habang namamasada ng kanyang tricycle.

Sa bisa ng dalawang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Danilo Manalastas ng Malolos Regional Trial Court of Bulacan 3rd Judical Region ay nadakip si Ranile ng mga tauhan ni Insp. Pablo Temeña, Jr. ng Navotas police.

Base sa reklamo ng mga opisyal ng nasabing kumpanya na sina Bong M. Pangcu, sales supervisor at Rizalino Paulino personnel manager, si Ranile ay nabigong isimute ang kabuuang bayad ng mga produktong kanyang kinuha.

Matapos hindi maibigay ang di sinabing halaga ay ay hindi na nagpakita pa ang suspek kaya’t kinasuhan ito ng estafa thru falsification of commercial document sa korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply