Estudyante iniwan ng gf, nagpatiwakal

ISANG16-anyos na estudyante ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner Biyernes ng gabi, Abril 1, sa Tondo, Maynila.

Base sa report ni PO3 Mario Asilo, dakong alas 7:00 ng gabi nang madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.

Ayon kay Macaraeg, hindi na umano nagpaimbestiga ang magulang ng biktima ngunit may iniwan itong suicide note kung saan humihingi umano ng patawad ang biktima sa ginawa nitong pagpapakamatay.

Nabatid na hiniwalayan ang biktima ng kanyang girlfriend na posibleng naging dahilan upang maisipan nitong magpakamatay.

Nagawa pang isugod sa Mary Johnston Hospital ang binatilyo subalit idineklara itong dead on arrival. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply