Estudyante, pinapabalik-balik ng mga eskuwelahan

ITINATANONG ng isang ina sa Department of Education kung tama na ipitin ng eskuwelahan ang clearance ng mga estudyante dahil lang sa libro?

Pinababalik-balik ng mga titser ang kanilang mga estudyante sa eskuwelahan sa kabila ng napakamahal ng pamasahe.

Halos hindi nga magkandauga-ugaga ang  mga magulang ng mga estudyante sa gastos sa pagpapaaral ng kanilang mga anak pagkatapos ay kung ano-ano pa ang ginagawang pagpapahirap sa mga estudyante.

Ang dapat rito ay kumilos si DepEd Sec. Armin Luistro, para naman may pakinabang ang mamang ito.

E, puro kung ano-ano ang mga pinaplano nitong proyekto na puro pang mga elitista lang ang nakikinabang.

O, Sek. Luistro, basahin ninyo naman itong hinaing ng mga maralitang magulang.

Gud am, Sir Johnny Magalona. Nais ko lamang pong itanong sa DepEd, sa tulong ninyo, kung tama na ipitin ang clearance ng mga estudyante ng dahil lang sa libro. Pinababalik-balik ang mga bata at napakamahal ng pamasahe nila. Ito po ay sa Tagaytay National High School.

Paki publish naman po ito sa Remate, sa kolum ninyo. Maraming salamat  po! Isang nagmamalasakit  na nanay.

PD GINAGAGO NG VK COP NG SAN ANTONIO

Ang latest sa kinakanlong na pulis ni San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga na si PO2 Atoy Cruz ay patuloy pa rin ang pagpa-patakbo ng mga makina nito (VK) sa nasabing bayan.

Nabatid na “ginagago” lang daw ni PO2 Cruz si  PD Supt. Roberto Aliggayu na kunwari ay inihinto ang operasyon ng mga makina nito pero patuloy pa rin daw ang operasyon nito sa San Antonio.

O, PD Supt. Aliggayu, baka hindi mo alam na ginagago ka ng pulis mo!!

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply