Ex-Malolos mayor inabsuwelto ng Sandigan sa kasong kriminal

INABSWELTO Lunes, Abril 4 ng Sandiganbayan Second Division ang dalawang kasong kriminal laban kay dating mayor ng Malolos City na si Danilo Domingo dahil sa umano’y kabagalan ng tanggapan ng Ombudsman na makapagsagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Pinagtibay ni Presiding Justice Edilberto Sandoval, division chairman ang argumento ni Domingo na dahil sa kapabayaan ng Ombudsman na agad na busisiin ang nasabing kaso ay nalabag nito ang kanyang constitutional right para sa mabilis na disposisyon sa kaso dahil naisampa lamang ang kanyang kaso sa Sandiganbayan ng Ombudsman noong Marso 5,2009, may 5 taon na ang nakararaan matapos na maisampa ang kaso sa Ombusdman noong Marso 30,2004.

“The Court found the delay inordinate and unreasonable as to be violative of the respondent’s right to due process and to speedy disposition of cases against him, warranting the dismissal of the criminal cases,” ayon sa  Sandiganbayan.

Si Domingo ay nasampahan ng kasong paglabag sa Section 8, Republic Act No. 6713 o ng  Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dahil sa pagkabigo nitong mag-file ng kanyang  statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) para sa taong  2001 at  2002. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply