Ex-Manila cop niratrat sa Quezon City, utas

BINISTAY ng bala ang isang retiradong pulis Maynila matapos ratratin ng dalawang armadong suspek sa Litex Road, sa Quezon City kaninang umaga.

Nagtamo ng 20 tama ng bala sa katawan ang biktimang si SPO2 Efren Sexon, 62, dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) at residente sa Montalban Rizal.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo makaraan ang pananambang.

Sa ulat, naganap ang insidente habang sakay ng Honda Vitec (NIG-960) ang biktima at naghahanap ng paparadahan sa Litex Road, Brgy. Payatas para bumili ng prutas ganap na 8:15 ng umaga.

Ayon sa mga saksi, naghihintay na umano sa lugar ang nasabing mga salarin at nang huminto ang sasakyan ng biktima para bumili ng pakwan ay bigla na lang tinungo ng mga ito ang huli at pinagbabaril.

Sinasabing matapos tadtarin ng bala ang biktima sa loob ng sasakyan ay hindi pa nasiyahan ang mga suspek at hinugot pa ang biktima sa kinauupuan saka kinaladkad sa kalye at muling tinadtad ng bala sa katawan, bago nagsitakas.

Sa pagsisiyasat, nakarekober ang mga awtoridad ng 21 basyo ng bala ng kalibre 45 baril at kalibre 9mm sa nasabing lugar.

Sa ngayon, ang kaso ay hawak na ng Criminal Investigation and Detection Unit na nagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat upang mabatid ang ugat ng pamamaslang sa biktima. James de Jesus/Photo by Jun Mestica

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply