Ex-pulis todas sa rumaragasang taxi

NAGWAKAS ang buhay ng isang retired police makaraang mabunggo ng taxi habang tumatawid sa East Avenue Quezon City, Huwebes ng gabi.

Dead-on-the spot ang biktima na si SPO4 Filimon Rosas, 73, ng Upper Nawasa Makalino St. Brgy. Central Commonwealth.

Kusang loob namang sumuko ang driver ng taxi na si Teodolfo Cartahena de Leon, 45, ng 122 East Veterans Village  Area 3 Pasong Tamo.

Sa imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector, naganap ang insidente dakong 12:00 ng hatinggabi sa kahabaan ng East Avenue nang biglang sumulpot ang biktima at masagasaan ng rumaragasang taxi.

Base sa salaysay ng driver ng taxi, binabagtas niya ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang biktima at dahil sa madilim ay hindi niya agad napansin ang biktima at nasagasaan.

Hinala naman ng mga awtoridad na lasing ang biktima nang maganap ang insidente. Robert Anthony Marquez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply