Ex-senators tetestigo vs Ombudsman

IPAPATAWAG bilang testigo sa Impeachment Court ng ilang dating senador na lumagda  sa rekomendasyo na kasuhan ng Ombudsman ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na sangkot sa P728M fertilizer fund scam.

Kinumpirma ito ni Senate President Juan Ponce Enrile sa isang panayam matapos tiyakin na puwedeng umupong testigo ang ilang kasamahan ngayon sa Senado sa pagbubukas ng impeachment trial laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Enrile,puwedeng tumestigo ang ilang senador at uupo sa witness stand upang isailalim sa cross examination ng House prosecution panel kahit tumatayo silang senator-judge sa Impeachment Court.

Maaaring ipatawag ng Impeachment Court ang mga senador na lumagda sa committee report ng Senate committee on agriculture noong 13th Congrees na pinamumunuan ni dating Sen. Ramon Magsaysay Jr.,. at report din ng Senate Blue Ribbon Committee noong 14th Congress.

Sa naturang mga report, pinakakasuhan ng mga senador sa Ombudsman sina dating Agriculture Sec. Luis “Cito” Lorenzo at dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc Joc” Bolante at ba pang opisyal ng nakaraang administrasyon.

Gayunman, sinabi ni Enrile na walang ibang maitatanong sa mga senador ang prosekusyon at defense panel dahil sa wala naman silang personal na partisipasyon sa pagwaldas ng nasabing pondo noong 2004.

Sa P728 milyong fertilizer fund na ipinalabas ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bago ang 2004 presidential elections, nakinabang dito ang mga gobernador, mayor at mahigit 100 kongresista kung saan nabigyan sila ng hindi bababa sa P 5 milyong pondo.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply