Falcons, Lady Bulldogs agawan sa quarterfinals sa Shakey’s V-League

MAGHAHARAP ngayong hapon ang Perpetual Help at ang University of Saint La Salle-Bacolod sa Group B habang pagaagawan ng Adamson Lady Falcons at National University Lady Bulldogs ang isang slot ng quarterfinals sa Shakey’s V-League sa PhilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa pagsakabak ng San Marcelino-based Lady Falcons ay ihaharap nila ang magkapatid na Carolino na sina Mayet at Michelle na pansamantalang kahalili nina Michelle Laborte at Nene Bautista na liliban panandali para lumahok sa isang beach volleyball tournament sa Indonesia.

Tangan ng Lady Falcons ang 1-1 slate habang 1 win, 2 losses ang Lady Bulldogs sa 5-team composition ng Group B na pinangungunahan ng UPHSV Lady Altas na may malinis na 3-0 slate.

Angat naman ang Perpetual Help (3-0) sa USLS-B (2-1) na kawa na nakatitiyak ng puwesto sa quarterfinals na kailangan magsigasis para mapatatag ang posisyon sa quarterfinal phase. Radito Torres

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply