Burol ni AJ Perez bukas na sa publiko

BUKAS na para sa public viewing ang burol ng yumaong young actor na si AJ Perez sa La Salle Greenhills.

Ang public viweing ay nagsimula kaninag alas-onse ng umaga, Abril 18. Bukas sa publiko ang burol ni AJ mula 11:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon at 9:00 ng gabi hanggang hatinggabi.

Ayon sa pamilya Perez, binuksan sa publiko ang burol ni AJ upang mabigyan ng pagkakataon ang fans na masilip ang aktor sa huling pagkakataon.

Dinagsa kahapon, Abril 17 ng mga kasamahan sa industriya ang burol ni Perez. Kabilang sa mga dumating si ABS-CBN President Charo Santos Concio, Star Magic family, mga nakatrabahong direktor gaya ni Wenn de Ramas at ang comedy queen na si Ai-ai Delas Alas na nakasama niya sa “Ang Tanging Pamilya.”

Dumating sa burol ang mga nakasama niya sa huling teleserye na “Sabel” at ang cast ng “Mara Clara” na dapat sana’y makakasama nito sa upcoming project.

Isang misa ang iaalay ng mga kasamahan ni AJ sa industriya mamayang 6:00 ng gabi na susundan ng tribute para sa kanya.

Si Perez ay ililibing sa Christ the King Green Meadows sa Quezon City sa Miyerkules, Abril 20. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply