FB at Twitter account binuksan ng DOLE para sa jobseekers

NAGBUKAS ng bagong account sa social networking sites na Facebook at Twitter ang Department of Labor and Employment (DOLE) para mapanatiling updated ang jobseekers sa kanilang nationwide Job and Livelihood Fair na idaraos sa Mayo 1, Araw ng Paggawa.

Umaasa ang DOLE na sa pamamagitan ng FB at Twitter ay mahihimok ang jobseekers na magtungo at makilahok sa May 1 job fair ng pamahalaan.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, sa pamamagitan ng FB at Twitter ay mabibigyan ang jobseekers ng pre-registration information kaugnay sa event, para sa mas mataas na tiyansa na matanggap sila sa trabaho.

“This will give them higher chance of landing a job when they present themselves to the participating employers during the Job Fair,” paliwanag pa ni Baldoz.

Ang Facebook page ng DOLE ay may pangalang “Labor Day,” habang ang Twitter account naman nito ay @laborday2k11.

Anang Kalihim, 200 kompanya ang lalahok sa job fair na mag-aalok ng 30,000 trabaho.  Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply