Ferry lumubog sa Congo, 38 patay

TINATAYANG tataas pa ang bilang ng mga nasawi na ngayon ay may naitatalang 38 na ang natagpuang patay sa paglubog ng isang ferry boat sa bansang Congo.

Ang naturang barko ay naglayag mula Minova patungo sa lungsod ng Bukavu nang hampasin ito ng malalaking alon sanhi ng lakas ng hangin.

Ayon sa Red Cross ng Congo, umabot na ng 11 katao ang kanilang nai-rescue subalit higit 50 pa ang nawawala.

Nabatid na aabot g 100 katao ang pasahero ng naturang ferry at maraming cargo rin ang lulan nito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply