Fetus ikinahon, itinapon

NAGULANTANG ang ilang residente  ng Tondo, Maynila dahil sa pagkakadiskubre kaninang umaga, Anril 13 sa isang fetus na ikinahon at basta na lamang iniwan sa kalsada.

Tinatayang nasa apat hanggang limang buwang gulang ang lalaking fetus na natagpuan dakong 11:00 ng umaga sa center island sa Road 10 ng nasabing siyudad.

Ang nasabing fetus ay natagpuan ni Maria Lourdes Solomon, street sweeper ng Leonel Waste Management ng lokal ng pamahalaan, habang abala siya sa pagwawalis at pag-aayos ng mga tanim sa center island na sakop ng Barangay 20 Zone 2.

Ayon kay Solomon, nakita niya ang isang kahon ng Zesto at nang bulatlatin niya ito ay laking gulat niya ng bumungad sa kanya ang isang fetus na umano’y mukhang sariwa pa dahil sa dugong nasa katawan nito.

Agad niya itong ipinagbigay-alam sa nasasakupang barangay chairmsn na si Nazario Ombrog at pansamantalang dinala ang fetus sa kanilang barangay hall, habang hinihintay ang pagdating ng tauhan ng Manila Police District- Homicide Section na si Det. Benito Cabatbat. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply