Fetus natagpuan dahil sa daga

NATAGPUAN ang isang fetus ng batang lalaki na nakalagay sa plastic na garapon nang dagain ito sa Caloocan City Lunes ng umaga.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong alas-tres umaga nang matagpuan ang nasabing fetus na tinatayang nasa anim na buwang gulang sa kahabaan ng 3rd Avenue ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa mga residente, napansin nila na nagkakagulo ang mga daga malapit sa maruming sapa sa kanilang lugar kaya’t isa sa kanila ang kumuha ng flashlight upang makita ang pinagmulan ng ingay.

Laking gulat nila nang makita ang fetus sa plastic na garapon dahilan para ipinagbigay-alam nila ito sa barangay tanod.

Mabilis namang tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga tanod at sa inisyal na pagsisiyasat, posibleng biktima ng abortion ang fetus dahil na rin sa nakitang palatandaan sa ulo at katawan nito.

Nagkaisa naman ang mga opisyal ng barangay na dalhin sa Sangandaan Cemetery ang fetus upang bigyan ito ng maayos na libing.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng nasabing kaso. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply