Fetus natagpuan sa gilid ng creek

TINATAYANG nasa apat hanggang limang buwan ang fetus na natagpuan sa gilid ng creek sa Tondo,Maynila Linggo ng hapon, Abril 3.

Ang naturang fetus ay pansamantalang inilgak sa Universal Funeral Morgue para sa maayos na libing.

Base sa report ni Det. Benito Cabatbat ng Manila Police Distriict-Homicide Section, dakong 1:15 ngayong hapon nang matagpuan ang nasabing fetus na nakalagay sa isang platic bag sa tabi ng creek, sa likod ng Puregold Super Market sa panulukan ng Juan Luna at Tayuman St., sakop ng Tondo.

Ayon sa ilang residente sa tapat ng creek, naglalaro noon ang ilang kabataan sa gilid ng estero nang mamataan ang inakalang manika, nang kanila itong bulatlatin ay dito na nadiskubre ang fetus na hindi nabatid ang kasarian.

Base sa rekord ng pulisya, marami nang beses na nakadidiskubre ng mga itinatapong fetus, kung hindi sa ilog Pasig, madalas na sa tabi ng  simbahan o sa balumbong ng basurahan.

Dahil dito, nagbabala ang lokal na pamahalaang lungsod na kung mahuhili sa akto ang sino mang  responsable sa pagtatapon ng Fetus, sasampahan ito ng kaso na maaaring makulong at magmulta ng malaking halaga. Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply