Fetus natagpuan sa paanan ng puno

ISANG fetus ang natagpuan ng isang barangay chairman sa paanan ng isang puno sa Quezon City Sabado ng umaga, Abril 16.

Ayon sa ulat ng QCPD police at ng barangay chairman, natagpuan ang fetus dakong alas-8:30 ng umaga sa Masagana st. ng nasabing lungsod.

Sa kuwento ng ‘di pinangalanang barangay chairman, namimitas lamang ito ng bunga ng puno ng caimito nang mapansin nito ang asul na supot sa paanan ng puno.

Matapos buksan ay laking gulat ng kapitan na ang laman ng supot ay isang fetus na tinatayang nasa apat hanggang limang buwan.

Patuloy na nagsasagawa ng imbistigasyon ang mga awtoridad ng QCPD para alamin kung sino ang nag-iwan ng fetus sa nasabing lugar. R.A. Marquez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply