Fetus sa loob ng bote, nahukay sa loob ng bahay

ISA na namang fetus na nakalagay sa loob ng bote ang nahukay Sabado ng hapon, Abril 9, sa Sampaloc, Manila.

Batay sa report ni Det. Gerry Rivera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 2:00 ng hapon nang tumawag sa kanilang tanggapan ang isang lalaki para iulat ang isang fetus na nakalagay sa bote na nahukay ng mga tauhan ng Maynilad.

Nagulantang umano ang isa sa tauhan ng Maynilad na hindi na pinangalanan nang madiskubre ang nasabing fetus habang naghuhukay para sa gripo sa loob ng bahay sa 807 Miguel st. sa panulukan ng Matimyas st. sa Sampaloc.

Dinala ang fetus sa Universal Funeral Morgue.

Lumitaw sa rekord ng MPD-Homicide Section na simula nitong pumasok ang taong 2011 ay sunud-sunod na ang napapaulat na nadidikubreng fetus. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply