FEU Tams wagi sa UP Fighting Maroons sa OT

ISANG bagong bayani sa pinalakas na Far Eastern University Tamaraws ang naghatid ng panalo sa isang overtime game laban sa University of the Philippines Fighting Maroons, 80-76 sa FilOil Flying V Hanes Preseason Premier Cup.

Ang dating top junior player na si Terrence Romeo ay bumanat ng triple sa huling 2.7 segundo paara itabla sa 72-all ang regulation.

Sa extension., nagtulong-tulong sina Romeo, RR Garcia at JR Cawaling tungo sa tuluyang pag-angat ng team ng bagong coach na si Bert Flores para itatak ang panalo.

Sa kasunod na laro, kinagat ng San Beda Red Lions ang Lyceum Pirates sa tambak na panalo, 99-57 habang sa main game ay pinana ng La Salle Green Archers ni coach Dindo Fumaren ang Arellano University Chiefs sa score na 74-61. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply