Fil-Aussie nanakawan sa tinutuluyang hotel

TINATAYANG aabot sa mahigit na P200,000 halaga ng alahas at $100 ang natangay mula sa isang Fil-Australian habang naka-check in sa isang hotel sa Ermita, Maynila.

Base sa report ng MPD-General Assignment Section (MPD-GAS), personal na dumulog ang ang biktimang si Dassy Southwell, 47, tubong Barangay Ugsod, Bangga, Aklan at pansamanatalang nanunuluyan sa  Room 64 ng Swagnan Hotel na matatagpuan sa Flores st., Ermita, Maynila Biyernes ng gabi, Abril 15, upang i-report ang naturang insidente.

Nabatid na nasa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ng Biyernes, Abril 15, nang mawala ang mga sari-saring mga gintong alahas ng biktima sa nasabing hotel  na nagkakahalaga ng mahigit P200,000 at $100.

Lumabas umano ng hotel ang biktima at nang bumalik ito ay nawawala na ang kanyang mga alahas at pera. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply