Final 4 tatangkain ng Aces at Gin Kings

MAGSASAGUPA ang Ginebra San Miguel at Rain or Shine sa main game ng PBA Commissioner’s Cup makaraan ang banggaan ng Alaska Aces at Air21 Express sa Cuneta Astrodome ngayong 6:30 ng gabi.

Balikatan ang laro ng Aces at Air Express kasunod ng paggapi sa Express sa Aces, 92-83 sa huling elimination round na binuweltahan ng Aces sa first game ng Best of three noong Biyernes ng gabi.

Ang apat na quarter finalists ay mag-aasam na ilabas ang primera klaseng laro nila para sa semifinals kung saan ang dalawang  makauna ay magsasagupa sa best of 5 semis kontra sa unang nakapasok sa semi finals na Talk ‘N Text at Smart Gilas Nationals.

Ang Gin Kings ay nanalo sa unang salpukan kontra Rain or Shine na ginanap noong Biyernes sa score na 100-91 habang nakaganti ang Alaska Aces ni Coach Tim Cone sa AirExpress sa pagtatapos ng elimination round.

Nakaporma na sa serye ang Aces at Kings, 1-0 at isang panalo pa ay sasampa sila sa best of five semis kung saan makababangga ng Alaska Aces ang Tropang Texters habang magkakaharap naman ang Gin Kings at Smart Gilas.  Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply