Flood forecasting warning system pinasinayaan

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pagpapasinaya sa Agno River Flood Forecasting and Warning System at Agno River Flood Forecasting and Warning Center sa Barangay Tumana, Rosales sa Pangasinan, Biyernes ng umaga.

Ayon sa Pangulo, ang nasabing proyektong ito ay malaking tulong ang para matulungan ang mga residente doon tuwing may mga pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Mabibigyan din ng babala ang mga kinauukulang ahensya gamit ito para malaman ang mga lugar na maaaring tamaan din ng malakas na ulan.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi dapat pabayaan na lamang ang mga Pilipino na hindi handa o walang magawa tuwing may nananalasa na kalamidad.

Pinasalamatan din ni PNoy ang mga representante ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na dumalo rin sa nasabing pagtitipon dahil sa pagtulong na matapos ang proyekto.

Pagkatapos ng nasabing aktibidad nagtungo ang Pangulo sa lungsod ng Urdaneta para naman sa pagpapasinaya ng anim na ektaryang engineered sanitary land fill. Alex Luiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply