Food Trip: Sinaing sa Palyok, Gimik? Good food? Puwedeng pwede

NAGHAHANAP ka bang bagong tambayan para mag-unwind pagkatapos ng trabaho?

Tambayan na hindi maingay ang lugar dahil sa palakasan ng boses habang nagbi-videoke, at sigurado ng nanamnamin mo ang sarap ng pagkaing gusto mo habang umiinom dahil sa ambiance nito? At affordable dapat. May sagot na sa tanong na ito.

Bukas na sa publiko ang pinakabagong resto-bar, ang “Sinaing sa Palyok,” na matatagpuan sa kahabaan ng Nakpil St., Malate, Manila. Ito ang unang resto-bar na makikita kung ikaw ay magmumula sa Taft Avenue papunta sa direksyon ng Roxas Boulevard.

Konting lakad lang mula sa Taft at maaaninag mo ang isang malaking itim na palayok na nakapatong sa isang tila lamp post na sumisimbolo sa tema ng resto-bar.

Kung pagod ka sa maghapong stress sa trabaho, tiyak na mare-relax ka kapag nakaupo ka na sa loob ng airconditioned bar. Bukod sa mga mapagpipiliang pagkaing Pilipino, mapanonood mo ang lumang video-documentary ng “totoong buhay at pag-ibig” ng popular singer na si John Lennon.

Si John Lenon ay paboritong artist ni Jun Alano, beteranong peryodista na siyang solong may-ari ng Sinaing sa Palyok.

Si Alano ay kilala bilang mamamahayag, editor at columnist ng iba’t ibang mga kilalang pahayagan sa bansa. Siya’y naging reporter ng Philippine Daily Inquirer at editor ng Manila Times/Bandera, Money Asia, Daily Tribune, Standard Express, Manila Bulletin at iba pang mga sikat na pahayagan sa bansa.

Dahil matagal na rin namang pangarap ni Jun na magkaroon ng isang cozy bar para tambayan ng kanyang kapwa mga mamamahayag, naniniwala siyang ito na ang angkop na lugar para sa mga reporters, columnists, editors, photographers, at iba pang mga kaibigan sa media para mag-unwind.

Ayon sa kwento ni Jun, noong nakita niya ang nasabing pwesto sa Malate, unang pumasok sa kaniyang isip na ipangalan sa resto-bar ang ‘Lennon Road’ dahil nga sa kanyang ‘undying  admiration’ sa idolong si John Lennon.

“Pero pinalitan ko dahil naisip kong hindi jive yung pangalan ng bar sa mga menu ko na mga lutong Pilipino kaya ginawa ko na lang na Sinaing sa Palyok,” paliwanag niya, sabay dagdag na “palyok” ang tawag sa Batangas sa naturang lutuan at hindi “palayok” na kaugalian sa ibang lugar.

Isa sa masasabing specialty ng resto-bar ay ang “sinaing na tulingan sapalyok” (Price: P100) na talaga namang babalik-balikan mo kapag natikman. Dahil tubong Balayan, Batangas si Jun, isa ang sinaing na tulingan sa specialty ng nasabing bayan. Dagdag pa sa talagang babalik-balikan moang sinaing na tulingan kapag ipinirito ito at sabayan ng maanghang na suka habang kumakain o namumulutan.

Para naman sa mahiligin sa sisig, siguradong hindi ka aalis at sulit ang bayad mo kapag natikman ang pork sisig (P150) nila na may linamnam na para bang nakaka-addict. Yes…panalo ang pork sisig sa Sinaing sa Palyok na gawa sa liempo at hindi sa pisngi ng baboy.

Huwag ding tangkaing umalis sa bar na hindi natitikman ang super special na tapsilog (P90). Kung saan niya ito inaangkat…yan ang nananatiling sikreto. Pero sinisigurado ko nahihingi kang extra fried rice kung tapa ang order mo dahil ‘you can’t really resist’ ang pagka-super yummy nito.

Hindi langya. Ang ‘fish and chips’ (P150) ay panalo ding ulam at pulutan sa resto-bar at marami pang menu. So far, ang mga ito pa lamang ang natik man ko kaya nasasabi kong “I shall always return to the place.”

Oppss…idagdag mo pa pala ang masarap na at chara (libresabawat order ngsilog) na talagang tatak-Batangas. May kakaiba din itong lasa na hindi nakakasawa o nakakaumay.

At masarap magkape pagkatapos kumain, di ba? I-try din ang brewed barako coffee (P35) na tatak-Batangas. Pwedeng ikumpara sa Starbucks, Seattle’s Best at iba pang mga mamahaling kape, pero mura lang at nanamnamin mo bawat higop nito.

Wooden Palanggana/Artwork

Ang higanteng palanggana na gawa sa luma at mabigat na kahoy na nakasabit sa dingding bandang kaliwa pagpasok mo sa pinto ng resto-bar ay isa sa masasabing tatak ng Sinaing sa Palyok. Binili ito ni Jun sa isang kapitbahay sa Balayan at tinatayang halos may 100 taon na ang edad ng palanggana.

“Iniyakan nga ito ng may-ari nung biniliko eh,” pahayag niya sa ilang bisitang media friends nang pormal niyang buksan ang bar nitong nakalipas na linggo.

Kapansin-pansin din anglumang framed artwork (title: Inang Kalikasan) na may sukat na 4×6 ng kilalang artist na si Neil Doloricon. Siya ay isang social realist at kaibigang matalik ni Jun, mula sa panahon nilang magkasama sa Manila Times kung saan matagal na naging editorial cartoonist si Neil.

Sa totoo lang, nahirapan kaming i-analyze ang nasabing artwork na nagtataglay ng hindi mabilang na iba’t ibang uri ng hayop mula sa lupa hanggang sa mga lumilipad. Masyadong matalinhaga ito para sa akin, maging sa ibang mamamahayag.

Aminado rin si Jun na siya mismo ay hindi mabilang kung ilan ang mga hayop na nakapaloob sa artwork dahil nag-o-overlap ang mga ito sa isa’t isa, maging ang pagka-anggulo.

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Biyernes ngayon… Pasyal na at subukan ang Sinaing sa Palyok. Hindi ka magsisisi sa lugar at pagkaing ihahain sa iyo, maging ang malamig na inumin (San Mig Light: 3 for P110) na di hamak na mura kesa sa iba. Siyempre, hindi rin matatawaran ang serbisyong crews at staff na magagalang at mabilis kumilos.

Gimik? Good food na affordable sa isang cozy resto-bar sa Malate? Puwedeng pwede na, anytime, day and night.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply