Free pulmonary test sa passive smoking victims

INIHAIN ni AGHAM Party-List Representative Angelo B. Palmones ang House Bill 2005 or “An Act Providing for Free Pulmonary Function Tests and Treatment for Smoke-Related Diseases sa lahat ng Government Hospitals and Clinics upang makatulong na makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan partikular ang pulmonary function tests.

Ayon sa record ng World Health Organization (WHO), ika-15 pwesto ang Pilipinas sa pinakamalaking konysumer ng sigarilyo sa buong mundo at ang pagsisigarilyo ang ika-lima sa sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.

“Smoke is irritating to many individuals especially those who are allergic to it, and can trigger asthma attacks,”  ayon kay Palmones.

Sinabi pa ni  Palmones na ang respiratory/pulmonary diseases o sakit sa baga ay isa sa mabigat na dahilan ng pagliliban sa trabaho ng mga manggagawa at hindi pagiging produktibo sa kanilang mga ginagawa.

Tinatayang P27 bilyon para sa healthcare at P18 bilyon ang nasasayang o nawawala dahil sa  biglaang pagkamatay na may kaugnayan sa mga sakit dulot ng paninigarilyo.

“Sadly, not just smokers are affected,  but also the people around them, especially children.   Inhaling second-hand smoke is just as dangerous and harmful as smoking itself,”  giit ni Palmones.

Alinsunod sa nasabing panukalang batas, mahigpit na ipatutupad sa lahat ng pampublikong hospital at clinics  ang obligadong magkaroon ng libreng konsultasyon sa mga pasyenteng nagdaranas sa sakit na dulot ng pagsisigarilyo at maglagay ng mga pasilidad na makatulong na magamot ang nasabing sakit.

Gayunpaman, nilinaw ng panukala na ang mga biktima lamang ng second at third hand smoker partikular ang mga bata ang maaaring makapagpagamot ng libre  sa mga pampublikong hospital.

Nakapaloob libreng paggagamot at mga nabanggit na pasilidad na kukunin mula sales tax ng sigarilyo na mula sa 5 porsiyentong  makokolekta ng gobyerno na pangangasiwaan ng Department of Health (DOH)

Idinagdag pa ni Palmones, na panahon na para paigtingin ng gobyerno ang patuloy na paglobo ng smokers sa bansa na tinatayang nasa 17 bilyon lalo na sa mga biktima ng passive smoking.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply