Fuel subsidy lalaki pa

MALAKI ang posibilidad na  lumaki  pa ang fuel subsidy na matatanggap ng public transport sector.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, hawak na nila ang listahan ng mga operator at prangkisa na makikinabang sa programa at titingnan nila kung paano ito paghahatian.

Magugunitang P450 milyon ang inilaan ng gobyerno para sa nasabing fuel assistance program na paghahatian ng mga jeepney at tricycle operators para sa loob ng isang buwan.

Aniya, maaaring hindi na rin sila gagastos para sa mga “smart cards” dahil may mga interesadong sponsor.

Sa ngayon, aniya, inaayos pang mabuti ang kasunduan para hindi na mabawasan ang P450 milyon.

Samantala, patuloy na pinag-aaralan pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka.

Inamin ng Chief Executive na problema sa mga nasa sektor ng agrikultura ang pagtukoy sa mga beneficiaries dahil hindi tulad sa transport sector, wala silang prangkisa na magsisilbing basehan. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply