Full alert sa Labor Day

NAKATAAS ang Full Alert Status ng kapulisan hanggang matapos ang pagdiriwang ng Labor Day ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Nicanor Bartolome.

Sa memorandum na ipinalabas ni Bartolome, idineklara ng direktor ang mga rehiyon 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, Cordillera at NCR na nasa heightened alert simula pa noong Martes habang ang rehiyon 9 at 13, ARMM at Special Action Force ay mananatiling nasa full alert status.

Ang ibang regional directors naman ay binibigyan ng karapatan na magdesisyon kung base sa kanilang assessment ay kailangang manatili ang full alert status sa kanilang mga hurisdiksyon.

Makikipagpulong din ang limang direktor ng limang distrito ng NCRPO sa mga alkalde  at lider ng mga labor groups upang mapangalagaan ang situwasyun sa mga gaganaping rally sa iba’t-ibang lugar sa MetroManila.

Iikot din si Bartolome sa mga distrito upang tignan ang posisyon ng mga tropa at kung sinusunod ang kanyang mga direktiba. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply