Fun run sa kaarawan ni Gat Jose Rizal

MAGDARAOS ng “National Fun Run” ang Department of Education (DepEd) bilang pagdiriwang sa ika-150 kaarawan ni Gat. Jose Rizal bilang bahagi ng “Adopt a School program” sa Hunyo 19.

Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, na hindi magbabayad ng registration fee ang mga lalahok sa halip ay mag-donate ng mga gamit pang-eskwela o maglaan ng oras para sa boluntaryong paglahok sa gawaing pampaaralan.

“This activity will provide an opportunity for education stakeholders in the community to unite and manifest love for country,” ani Luistro “By directly giving resources and time for education we are actually honoring our national hero and helping our country.”

Ipinabatid ng DepEd na maaring pumili ang mga kasali sa 1-kilometer o 2-kilometer takbo o lakad na may panuntunang: “Every Runner, a Finisher; Every Finisher, a Winner.”

Anumang gamit gaya ng lapis, ballpen, notebook, krayola, tisa, silya, lamesa at iba pa na malilikom ay ibibigay sa mga paaralang nangangailanan. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply