Game 2 ng PBA finals ngayong gabi

MAITATARAK kaya ng Talk ‘N Text ang 2-0 o itatabla ng Ginebra San Miguel sa 1-1 ang ikalawang bakbakan sa kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup ngayong gabi ng best-of-seven finals sa Astrodome.

Sa kabiguan sa unang laro na nilasap ng Barangay Ginebra 83-102 noong Miyerkules ay naghanda si coach Joseph Uichico ng ilang plays para mapakilos ng maayos ang mga pagod ng players niya, particular si import  Nate Brumfield na nadiyeta sa malayong output  niya na nangapa sa 10 puntos.

Sa salig naman si Texters coach Chot Reyes sa import niyang si Paul Harris, Bigman na si Ryan Reyes at sa pointguard na si Jimmy Alapag.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply