Gas pump calibrator pinababantayan

INATASAN ni Paranaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. ang City Treasurers Office na magtalaga ng mga awtorisado at dalubhasang gas pump calibrators na susuri sa mga gasolinahan sa lungsod upang matiyak na nasa wastong sukat kada litro ang naibebenta nila sa motorista.

Umaabot sa 42 gasolinahan ang nakatakdang ipasuri ni City Treasurer Jesusa Cuneta sa mga awtorisadong tauhan ng License Division bilang isang paraan na rin ng pagtulong hindi lamang sa mga nagpapakargang motorista kundi maging sa mga may-ari na rin ng gasolinahan.

Napag-alaman na nakakakolekta ang lokal na pamahalaan ng P100 bilang buwis sa bawat sinusuri nilang “nozzle” kabilang na rito ang isinasagawa nilang pagtatama kung mali ang dami ng inilalabas na produkto at pagseselyo tuwing ikatlong buwan o mas maaga pa kumporme sa kahilingan na rin ng may-ari ng gasolinahan kung sa inaakala nila ay may pagbabago na ikinakarga nilang produktong petrolyo.

Ayon kay Cuneta, nagkakaroon talaga ng paunti-unting pagbabago sa tamang dami ng lumalabas na produkto dahil umiikot ang mga piyesa ng bawat gasoline pumps kapag may nagpapakarga kaya’t sa paglipas ng mga buwan ay nagbabago ito kahit walang gumagalaw o nagka-calibrate.

Bukod sa masusing pagbabantay sa tamang dami ng mga naikakargang krudo o gasolina sa mga motorista, inatasan din ng alkalde si Cuneta na pag-ibayuhin ang kampanya kontra madayang  timbangan o tampered weighing scale at mga timbangan na walang kaukulang selyo o hindi nasusuri. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply