Gasolinahan ipinasara sa Quezon City

SA HARAP ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, ipinasara ng local na pamahalaan ng Quezon City ang isang gasoline station dahil sa pag-ooperate nito ng walang kaukulang permit.

Ayon kay City Administrator Vic Endriga, tanging ang pagbebenta lamang ng liquefied petroleum gas (LPG) ang may kaukulang permit ng Flying V gas station na nasa  Mindanao Avenue sa nasabing lungsod.

“LPG lang ang permit nila. They have no permit for the gasoline pumps,”pahayag ni Endriga.

Base pa sa ulat, nagsagawa ang lokal na pamahalaan inspeksyon sa naturang gas station at nadiskubre na pawang mga depektibo ang ginagamit na pumps doon.

Nauna rito, sinabi ni Endriga na ang management ng Flying V ay dapat kumuha ng kanilang permit sa lokal na pamahalaan bago mag-operate.

“Unlike other local government units that have been inspecting gas station annually, here in Quezon City we inspect and calibrate their pumps every three months,” ani Endriga

Ang gas station ay patuloy na nakasara hangga’t hindi kumukuha ng kaukulang permit ang may-ari. 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply