Gaya-gaya puto-maya: Marian Rivera, epek ang puki-pukihang show

SINABI ni Eugene Domingo na si Tomas  Gonzales, ang namayapang front act comedian ng “Comedy Bar,” ang pangunahing nagpapatawa sa televiewers tuwing Sabado ng gabi. Siya yung may malaking set of dentures na siyang naging tulay sa  kanyang pagsikat maliban sa kanyang angking magandang boses.

Regular siyang kumakanta sa comedy bar ng The Library.

Bukod pa rito, si Tomas ang tagapag-initiate sa audience, kapag nanonood ka ng live sa Studio 6 ng GMA 7, para maging lively. Habang break sa set, si Tomas din ang nagpapatawa sa audience para hindi antukin habang gabi na kung matapos ang taping. Kasi, tuwing taping show, dalawang episodes ang ginagawa ng episode.

Kagabi sa “Comedy Bar,” isang mahabang tribute ang ginawa sa show para kay  Tomas. Buong cast headed by Allan K, Eugene Domingo, Fabio Ide, Beergins at Six Feet Long Band ay nagkaisa para bigyan ng tribute ang namayapang comedian.

oOo

SUPER-TAAS ng ratings ng pilot episode ng “Bampirella,” ang tampok na episode sa “Ang Spooky Mo,” na tampok si Marian Rivera at guest star si Dingdong Dantes.

Aba, panalo sa ratings game ang Bampirella. Naungusan ng show ng ilang  puntos ang pinakamalapit na kalabang programa.

Congrats kina Marian at Dingdong at sa baguhang si Mikael Daez. Congrats din  sa staff na headed by program manager na si Ms. Ali Dedicatoria.

ISA pa ring pinagkakapuri ng program manager na si Ms. Ali Dedicatoria ay ang project niyang “Magic Palayok.” Tampok ang tambalan nina Carla Abellana at Geoff Eigenmman. Kasi, super- layo ang agwat ng “Magic Palayok” at ang pinakamalapit nitong kalabang show na kabubukas pa lang.

Talagang hilig ng manonood sa timeslot ngayon ay medyo light drama sa  ganitong timeslot.

Marami ring natutuwa sa batang si Angeli Nicole Sanoy dahil super galing  niyang magdala ng mga eksena, maging comedy o drama.

MICHAEL V MAGLILIWALIW SA AMERIKA AT EUROPA, BONGGA!

LAHAT ng cast ng “Pepito Manaloto” ay ubod ng saya nang nakita namin sa sila sa  taping last Tuesday night. Kasi, ba naman bukod sa mataas ang ratings ng show, maraming lugar pa sila mararating. Sa Mayo ay nakatakda na silang mag-taping sa Cebu City.

Tapos, hindi lang Cebu ang pupuntahan nila. Iikot sila sa iba’t- ibang panig  ng Pilipinas bago sila tumulak naman ng America. Tapos, may balak pa raw pumunta  ang grupo sa Europe. Kasi, malakas din sa ratings sa Pinoy TV ang “Pepito Manaloto.”

Ngayong Sunday, katuwa-tuwang istorya ang matutunghayan sa show dahil  malalaman na ni Pepito na ubos na ang kanyang pera sa bangko. Nabiktima kasi ng identity theft si Pepito kaya na-compromise ang lahat ng kanyang financial assets.

Mabawi kaya ni Pepito ang kanyang yaman sa bangko? Noel Asinas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply