Gems vs Tigers sa PBA D-League Foundation Cup

SISIKAPIN ng Cebuana Lhuiller Gems na sungkitin ang pangatlong panalo kontra sa bokya pang Powerade Tigers at makalayo sa Cobra Energy Drink na tangan ang 2-0 slate sa Group B ng PBA D-League Foundation Cup sa elimination na gaganapin ngayon alas-kuwatro ng hapon sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Gagawin namang maipanalo ng Blackwater Perfume ang kanilang pangalawa at iwaksi ang unang pagkatalo ng tropa ni Coach Leo Isaac. Layunin ng Blackwaters na makapantay sa isang four-way tie sa tuktok ng Group A ang NLEX Road Warriors, PC Gilmore at Pharex na kapwa pare-parehong tangan ang 2-1 slate sa kanilang panalo.

Ang Cebuana Lhuiller na tinambakan ang Cafe France (83-62) at ang FCA Cultivators (80-58) ay may average na winning margin na 21.5 points kada laro na itinuturing na pinakamalaki sa may tatlong linggong torneo.

Mahalagang bantayan ng Gems ang mga PhilAm players ng Junior Tigers na sina John Smith at Mark Jeffries na kapwa nagdadala ng sigla sa Tigers. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply