Geneva Cruz naghubad sa PETA commercial

NAGHUBAD si Geneva Cruz para sa isang commercial ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na nagsusulong sa ikabubuti ng mga hayop, kalusugan at kalikasan.

Ang mang-aawit na naging ‘vegan’ ay naghubad para sa kaakit-akit na patalastas ng PETA Asia.
Ipinapakita sa patalastas ang matagal nang vegan na si Cruz na nakahubad sa hardin habang hawak-hawak ang gabrasong kamatis, kung saan ang caption ay “Go Natural. Go Vegan.”

Dating vegan na si Geneva Cruz ay naghubad para sa PETA.

Naging ‘vegan’ o huminto ng pagkain ng karne at isda, pati na rin ng itlog at gatas  si Cruz sa edad na 15.

Ngayong vegan na siya, sabi niya, “Para sa akin, ang pagiging vegan ay hindi tungkol sa diyeta. Ito ay ang pagmamahal ko sa lahat ng mga nilikha.”

Ayon sa PETA, ang mga hayop na pinapalaki upang maging pagkain ay tinitiis ang hindi masukat na kalupitan at pinagkait ang lahat ng natural at mahalaga sa kanila.

Sa factory farms, kung saan sila ay nilalagay sa madidilim at masusukal na kulungan na napakaliit kung saan hindi man lamang sila komportableng makahiga. Karamihan sa mga hayop ay pinipilit na tumayo sa gitna ng kanilang ihi at dumi.

Maliban sa pagiging ‘cruelty-free’ ang diyetang hindi isinasama ang karne, isda, itlog, at mga produktong gawa sa gatas ay nagpapababa ng tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso, kanser, stroke, diabetes, sobrang katabaan, acne sa mga matatanda, pati na din ang allergy, impeksyon sa tainga, at maagang simula na diabetes sa mga kabataan. Siyamnapung porsiyento ng mga Pilipino ang lactose-intolerant, at ang pag-iwas sa mga produktong gawa sa gatas ay makakatulong para gumana ang ating mga katawan ng mas maayos.

Ang isang malusog na vegan diet ay makatutulong para pumayat ang isang tao.

Sabi ni Cruz, “Maliban sa pagligtas sa napakaraming hayop taon-taon, ang benepisyong pangkalusugan ng isang vegan diet ay hindi mabibilang, samantalang ang pag konsumo ng mga pagkaing galing sa mga hayop ay naiugnay hindi lamang sa sakit sa puso at kanser pati na rin ang multiple sclerosis at osteoporosis.”

Ang produksyon ng karne at mga produktong gawa sa gatas ay sumisira din sa katubigan at kalupaan dahil sa mga dumi ng mga hayop. Sa buong mundo, ang mga hayop sa mga factory farms ay naglilikha ng 13 bilyong metriko toneladang dumi sa isang taon – iyan ay 48 na beses na mas madami sa karaniwang nililikha ng mga tao. Araw-araw, ang animal agriculture ay kumukunsumo ng 2.5 trilyong litro ng tubig – sapat na para sa bawat tao sa buong mundo na maligo ng walong beses.

Ang pagpapastol ng mga hayop ay responsable sa pagkapinsala ng lupang ibabaw at sa kalaunan ng ibang bahagi na din ng mundo. Sinisira ng mga hayop ang mga halamanan sa lupa. Pagkatapos ay nililipad ng hangin ang lupa at ginagawa itong disyerto. Ang mga kagubatan sa China at South America ay nasisira para bigyang daan ang pagpapastol o pagpapalaki ng mga hayop para gawing pagkain.

Isang ulat mula sa United Nations kamakailan lamang ay nagsabing ang paglipat tungo sa isang vegan diet ay kinakailangan upang labanan ang pinakamasamang epekto ng climate change.

“Alam ni Geneva Cruz na ang pagiging vegan ay ang pinakamahusay at pinakasimpleng paraan na iyong magagawa para sa mga hayop, sa kapaligiran, at para sa iyong kalusugan,” sabi ni Jason Baker, direktor ng PETA Asia.

“Ang mga hayop ay binubugbog, sinisipa, at inaapakan sa mga factory farms at katayan”, sabi ni Cruz. “Kaya nating labanan ang pang-aabusong ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkonsumo ng mga produktong mula sa industriya ng karne, itlog at gatas.”

Kabilang si Cruz sa hanay ng ibang mga international celebrities, kasama sina Pamela Anderson, Natalie Portman, Sir Paul McCartney, Maggie Q, at Barbie Hsu, na hininto na ang pagkain ng karne at isda. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply