GenSan nilindol

NILINDOL ang ilang bahagi ng Mindanao partikular ang General Santos City na may magnitude na 5.2 madaling-araw ng Biyernes, Abril 15.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natagpuan ang sentro ng lindol may 135 kilometro ang layo sa timog silangan ng naturang lungsod. Naramdamam ang pagyanig bandang 12:11 ng madaling araw.

Inihayag ng Phivolcs na ang naturang lindol ay hindi gawa ng anumang aktibidad ng kahit anong bulkang nakapaligid dito.

Nabatid na tectonic ang naging sanhi ng pagyanig.

Wala namang naiulat na nasira at nasaktan sa naturang insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply