Ghost pensioners sa PVAO wawalisin

NANGAKO ang Office of the Ombudsman na tutulong sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa pagpapatupad ng reform agenda ng gobyerno upang maisaayos ang kalidad ng buhay ng mga beterano.

Ayon sa Resident Ombudsman for PVAO in the Integrity Development Council (IDC), imomonitor nila ang epektibong implementasyon ng Integrity Development Action Plan (IDAP).

Liban sa Resident Ombudsman, kasama rin sa mga miyembro ng IDC ang PVAO Administrator/Defense Undersecretary for Civil, Veterans and Reserve Affairs, at Commission on Audit (COA) Resident Auditor.

Sa isang memorandum na isinumite kay Assistant Ombudsman Evelyn Baliton, at Resident Ombudsman for PVAO Atty. Katherine C. Jambaro-Altubar, inireport ang partisipasyon ng Office of the Ombudsman upang ma-institutionalize ang mga pagbabago sa reporma at polisiya/sistema sa PVAO.

Kasama rito ang organizational reforms, pagpapadali ng prosesong claims, investment sa human capital, transparency measures, improvement sa pension delivery sa pamamagitan ng pagpapatupad ng direct remittance pension servicing system (DRPSS), pagbabayad ng arrearages, anti-fixer campaign at paglilinis sa pension list.

Ayon naman kay Pres. Benigno Simeon Aquino III, ikatutuwa ng kanyang pamunuan kung maipatutupad nga ang nasabing mga reportma sa PVAO, partikular ang DRPSS kung saan mula sa postal delivery ay malilipat na ang pensyon sa banking system.

Dapat din umano linisin ang listahan ng PVAO pension upang mawalis na ang mga ghost pensioners.

Makakatipid ang gobyerno ng mahigit P4 billion kung maipatutupad ito. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply