Gin Kings reresbak sa Smart Gilas Pilipinas

MAKARAANG makalipad sa sudden death game 3 ay muling haharap ang Air21 Express laban sa Talk N’ Text bukas sa pagsisimula ng semifinals ng PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Napusoy ng Express ang Alaska Aces, 97-94, sa muling pangunguna ni Alpha Bancura na pumuntos ng 28, Dondon Hontiveros (24), Josh Urbistondo (17) at Danny Seigle (14) sa unang set ng double header quarterfinals competition.

Iwinasiwas naman ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine Elasto Painters sa pagtatala ng 92-87 para sundan ang una nilang panalo noong Abril 9 sa iskor na 100-91 para sa 2-1 win ng 3 game quarterfinal elimination.

Naiset naman ang do-or-die game 3 sa panalo ng Elasto Painters sa game 2 laban sa Gins sa iskor na 113-97 noong Linggo, Abril 10.

Masasabak ang Air21 Express sa Tropang Texters sa sariling pagsisimula ng semifinals. Naunang nilupig ng Texters ang Express sa elimination noong Marso 5 sa isang out of town game na ginanap sa Davao City, 124-110.

Una namang pinadapa ng Smart Gilas Nationals ang Barangay Ginebra noong Marso 30 sa iskor na 111-106.

Kapwa magbabago ang kompleksyon ng semifinal games sa pagitan ng dalawang pares na laro, dahil ang Air21 Express ay nagpakita ng panibagong lakas sa pagkakalipat ng apat na manlalaro mula sa San Miguel Beermen na nagbunga ng apat na magkakasunod na panalo ng Express sa quarterfinals.

Ang Gin Kings naman ay napupunto sa gumagana na namang husay ni Mark Caguioa na nagtop-score sa huling laro nila sa Elasto Painters bukod sa pananatili ng maayos na team coordination ng players ni Coach Jong Uichico.

Ang best-of-five semifinals showdown ay inaasahang dudumugin, hindi lamang ng mga regular PBA afficionados, kundi pati ng mga tagasunod ng Gin Kings at Air21 na hindi lang nagnanais na makita ang Smart Gilas Nationals na maglaro dahil nasa huling ilang laro na lang nila sa PBA dahil sa pahayag na pagliban ni Coach Rajko Toroman sa kasunod na conference. Radito Torres/Photo by: Rey Nillama

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply