Ginang nanganak sa LRT-Libertad

ISANG 22-anyos na buntis ang hindi na napigilan pang mapaanak sa loob mismo ng Light Rail Transit (LRT) habang nasa biyahe papuntang hospital upang sana’y magpa-check lang, umaga ng Huwebes, Abril 14.

Nabatid na sa tulong ng mga LRT personnel, kaagad na dinala si Mary Ann Opedra sa Pasay General Hospital matapos na iluwal ang kanyang anak na babae.

Ayon sa LRT Administration, napagdesisyunan ng mag-asawang Mary Ann at Renato Opreda na bigyan ng pangalang Liberty Anne ang kanilang anak makaraang iluwal ito sa LRT-1 Libertad.

“Mary Ann Opedra, 22 years old of E. Rodriguez St. Baclaran, Pasay City delivered her first child at Pasay General Hospital at around 8:44 a.m. after being rushed by LRT frontline personnel to the nearest hospital near Libertad Station,” ayon sa pahayag ng LRTA.

Ayon kay Arius Serioza, head guard ng station, papunta sana ang mag-asawa sa Fabella Memorial Hospital para sa kanyang buwanang checkup. Ngunit nakaramdam na si Mary Ann ng matinding paghilab ng tiyan bago pa dumating sa Doroteo Jose Station kung saan sila dapat bumaba.

“Attracting a small commotion inside the train, the guard was prompted to call other station personnel for assistance to carry the pregnant woman to the nearest hospital. Upon seeing the urgency of the situation, the station supervisor at Libertad Station directed them to bring Ms. Opedra to Pasay General Hospital,” pahayag pa ng LRTA.

“We sought the assistance of our guards to lay her on the stretcher available at the station, and transported her to the Pasay General Hospital near Libertad Station,” ayon kay Rosella Hugo, station supervisor.

Matatandaang noong Mayo 5, 2005 isang ginang din ang nanganak sa loob ng LRT habang bumibiyahe. Ito ay pinangalanan namang Dorotea, sinunod sa pangalan ng istasyong Doroteo Jose kung saan nanganak ang ginang. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply