Ginang pinatay ng lasing na pintor

RIZAL—Patay ang 35-anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng lasing na kalugar habang nakatayo sa harapan ng bahay, Lunes ng hapon sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang biktima na si  Nelia Villasin, ng Sitio AC, Barangay San Rafael, nasabing bayan.

Agad namang naaresto ang suspek na si Peter Macasa, 47, binata, isang pintor.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:30 ng hapon sa nasabing lugar kung saan nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay habang hinihintay ang kinakasama. Nang bigla umanong sumulpot ang lasing na suspek at agad na inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima na agad namatay.

Kasong murder ang inihahandang kaso ng pulisya laban sa suspek. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply