Ginang pinugutan ng ka-live sa Camarines

HALOS humiwalay ang ulo sa katawan ng isang ginang nang pagtatagain ng ka-live-in nitong may diperensya sa pag-iisip bago nagtangkang magpakamatay sa Camarines Sur.

Dead on the spot sanhi ng tinamong taga sa leeg at sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Marites Pistro, 35, ng Zone 5, Villa Floreda, Ragay, naturang lalawigan.

Isinugod naman sa Bicol Medical Center (BMC) sanhi ng tinamong taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na si Rodolfo Quebral, 42, sinasabing matagal nang nakararanas ng diperensya sa pag-iisip.

Batay sa ulat ng PNP Ragay, naganap ang insidente dakong 10:30 kagabi sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa.

Bago ito, nabatid na sa hindi pa malamang dahilan ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na humantong sa paghahamon ng ginang ng hiwalayan.

Hindi naman umano nagustuhan iyon ng suspek kaya kinuha ang kanyang itak saka pinagtataga ang biktima bago initak sa leeg.

Nang makitang halos humiwalay na ang ulo sa katawan ng biktima ay pinagtataga rin ng suspek ang kanyang sarili.

Hindi naman malaman pa ng pulisya kung sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek o dadalhin na lang sa mental institution. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply