Giriang Palasyo-Gonzales iresolba sa korte – Chiz

SA HALIP na nagbabangayan ang Malakanyang at ang sinibak na si Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III, iginiit ni Senator Chiz Escudero na iparesolba ang isyu sa Korte Suprema o sa Court of Appeals (CA).

Ayon kay Escudero, mas mainam na korte ang magsabi kung tama o mali ang pagkakasibak ng Palasyo kay Gonzales.

Si Gonzales ay sinibak ng Malacañang dahil sa gross neglect of duty at misconduct batay sa reklamo na siyam na buwan nitong hindi inaksyunan ang extortion case ng Luneta hostage-taker na si Ronaldo Mendoza.

Kinampihan si Gonzales ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, na nakatakang sumailalim sa isang impeachment hearing sa Senado.

Kasabay ng mungkahi na ipaubaya ito sa korte, nagpaalala si Escudero sa Malakanyang na huwag naman dalasan ang pagsibak sa mga itinuturing nitong sagabal sa “tuwid na landas” ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon sa senador, hindi sa pamamagitan nito mareresolba ang mga problema ng gobyerno. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply