Giyera ng mga santong may-asawa at walang asawa hihihi!

SERYOSONG usapin ang panukalang batas para sa Reproductive Health pero nakatatawa.

Nagkandatuwad-tuwad nga tayo sa tawa sa paglitaw ng giyera patani ng mga santo, may-asawa at walang asawa na mga opisyal ng sari-saring simbahan.

oOo

Simula’t simula, naging maingay pa sa palaka ang mga obispo ng isang malaking simbahan sa kakokontra sa panukalang batas na nagsusulong ng artipisyal na pagkontrol sa pamilya ni Juan.

Tahimik lang naman na nakamasid ang iba.

Ngayong naglabas na ng pagsalungat sa mga obispo ang isa ring malaking simbahan, nagsisunuran na ring sumalungat sa mga obispo ang iba pang relihiyon.

Kinuyog ang mga obispo.

Mayroon lang silang pinagkakaisahan: Walang aborsyon o pagpapatay o pagpapatalsik sa sinapupunan ng mga beybi na bunga ng mga labing-labing.

Nauna rito, maski si PNoy ay nagngangawa na kahit i-ekskomunikeyt pa siya ng mga obispo, susuporta siya sa panukalang batas para sa sinasabi niyang responsableng pagpapamilya.

oOo

May mga malilinaw na batayan ang mga pro-RH Bill.

Di tulad ng mga obispo na puro single dahil bawal sa kanila ang mag-asawa, merong mga asawa ang mga obispo at ministro ng ibang relihiyon.

Kaya ramdam na ramdam ng mga ito ang hirap ng pagkakaroon ng sobrang dami na anak.

Derpor, oki sila kahit sa artipisyal na pagkontrol sa pamilya upang magkasya at mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang mga tsikiting.

Ang mga selibeyt o bawal mag-asawa na obispo ay mga “walang” mga anak, derpor, wala silang problema kundi magmisa at kumolekta lang ng abuloy? Rey Briones

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply