Giyera patani sa pulitika umuusok na

MAYO 9 ang simula ng paglilitis sa Senado kay Ombudsman Merci kaugnay ng kasong impitsmen na isinampa laban sa kanya ng maraming kongresman.

At ngayon pa lang ay kabi-kabilaan na ang pagpapasingaw ng mga nakatatarantang balita ukol sa kredibilidad ng mga nang-iimpits at iniimpits.

Siyempre pa, hindi lamang kredibilidad  ang usapin dito kundi ang posibleng pagkakasangkot ng maraming onorabol sa mga anomalyang ililitaw sa hukumang Senado.

At kasama rin sa nahahagip ng pasingawan ang mga onorabol na may kinalaman sa mga anomalya na naging dahilan sa pang-iimpits kay Aling Merci.

oOo

Kabilang sa mga anomalya ang ukol sa P728 milyong abono iskam.

Siyempre pa, sa bahagi ng mga nang-iimpits, mayroon sa mga ito ang may buong paniniwala na nagsisimula sila sa malinis at matuwid na daan.

Pero ano itong sumisingaw na marami sa mga nang-iimpits o suporter ng  impitsmen at bumoto
para rito kamakailan sa Kamara ang nakinabang din pala sa iskam?

Ang hindi maganda, eh, nandoon na yata sila sa bakuran ni Pnoy at nakikisiksik doon para hindi masulyapan ang kanilang pagkakasangkot sa iskam. At nakikilakad sila sa tuwid na daan na wala man lang kibo o pagkilos para isauli ang kanilang mga nakaw na yaman.

Paano kung magkakasingawan lahat ng ito sa kalagitnaan ng pag-uusig?

oOo

Ang sabi ni Pnoy, susunod sa pagkakatanggal ni Merci sa Ombudsman ang pagsasampa nila ng mga kaso sa mga sangkot sa mga iskam.

Mahahagip kaya ng mga kaso ang mga tumalon sa Porsche ni Pnoy mula sa tumagilid na sasakyan ni Gloripie?

Susubaybayan natin ito, suki. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply