Glaiza de Castro, takot pang Mag-BF

DEDMA raw at wala nang komunikasyon si Glaiza de Castro sa suitor na dati raw high school crush ng young bactress. Takot  pa raw talagang magkaboyfriend si Glaiza.

Bungad sa amin ng dating action star na si Dan Alvaro, ibang klase ang kanyang pamangkin, si Glaiza de Castro aka Grazilda ng Kapuso network.

Sobrang attached daw si Glaiza sa kanyang pamilya at may vow na pagiginhawahin sila bago ang sarili.

Sey naman ng isa pang tiyuhin niya na si Danny Marquez, patnugot ng pahayagang pag-aari ng National Bookstore, sobrang low profile daw ang young actress

“Nagta-tricycle at nagdi-dyip yun. Pang-ordinaryo lang talaga ang feeling nya. Dati kasi, nung sa Valenzuela sila nakatira hanggang baywang ang baha sa lugar nila. Pag ganun, di siya makauwi ng bahay at sa church na lang muna natutulog pag galling sa taping.”

Bilang breadwinner, swear niyang aayusin ang buhay ng pamilya  . Glaiza de Castro Galura inreal life, pang-apat siya sa limang magkakapatid. Nasa showbiz na rin ngayon ang bunso niyang kapatid na si Alchris, naging Best Actor sa indie film na “Batad” over other fine nominees na sina Coco Martin, Sid Lucero, Jericho Rosales at Cesar Montano.

Mula sa pangangarap at age 6, umentra si Glaiza sa showbiz at age 9.

“Pag nagpapagawa siya sa akin ng resume, may times nun na nadi-discourage siya dahil ang tagal daw kasi wala naman siyang break. “Napag-iwanan siya ng mga kasabayang sina Angel Locsin, Heart Evangelista at Maja Salvador.

Galing sa Mastershowman, iipinagmamalaki nga ni Kuya Germs ang talent ni Glaiza sa singing and dancing.

Sunud-sunod na dumating ang break ni Glaiza after maalis siya sa Klik. Pumasok kasi ang mga mestiza type at na-outcast siya dahil morena. Nakasama niya sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa Berks. Sumunod ang Boy Next Door at Fantastic Kid kasama ni Marky Cielo.
Tuluy-tuloy na ang projects niya sa manager na si Manny Valera.

Sa Asian Treasures, nung mag-inarte ang pasaway na si Jackie Rice, nakapasok si Glaiza kasama ang copycat na si Angel Locsin at ang demised Starstruck survivor na si Marky Cielo.  Sa Kaputol ng Isang Awit naman niya nakasama si Lovi Poe. Lutang na ang acting ni Grazilda kaya nabigyan ng big break sa hit na  fantaseryeng Grazilda na siya ang bida katambal ni Geoff Eigenmann at sidekick niya ang child actress na bida na rin ngayon, si Angelie Nicole Sanoy ng “Magic Palayok.”

Sinasamantala lang ni Glaiza ang magandang takbo ng kanyang career kaya ayaw pa niyang mag-boyfriend. At 23, takot pa si Glaiza na maikipag-relasyon.  Unti-unti nang natutupad  ang pangarap para sa pamilya na naipagpatayo na niya ng sariling bahay sa Don Antonio Heights sa Commonwealth, Kyusi. Nabigyan na rin niya ng panimulang business na Spa and Beauty Salon ang madir na si Nanay Cristy (de Castro Galura po ).

Kapatid ni Marian Rivera ang role  ni Glaiza sa “Amaya.”ng GMA 7 sa diresiyon ni Joel Lamangan. Wish lang ng lahat na huwag magbago ang mga katulad niyang nagmamahal sa industriya, trabaho at pamilya nang sabayan. Pwera bf nga lang daw muna. Chat Santos

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply