GMA, iba pa kinasuhan na ng ‘Morong 43′

KINASUHAN na Lunes ng umaga, Abril 4 ng tinaguriang “Morong 43” sa Quezon City Hall of Justice si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ito ang napag-alaman ng Remate.

Ayon sa report, sinampahan ng kasong sibil ang mga matataas na opisyal ng gobyerno at militar na umano’y nasa likod ng kawalan ng hustisya at umano’y di makatarungang pagkulong ng 10 buwan sa mga health worker na inakusahang kasapi ng New People’s Army.

Humihingi ang Morong 43 ng P15 million para umano sa ‘physical and psychological torture’ na dinanas nila at kahihiyang dinanas dahil sa iligal na pagkaaresto at pagkakulong.

Unang-una sa listahan ng Morong 43, ang dating pangulong Arroyo. Kabilang din sa mga kinasuhan sinadating Defense Secretary Norberto Gonzales, dating Chief of Staff Gen. Victor Ibrado, Gen. Delfin Bangit, dating 2nd Infantry Division (ID) commander  Gen. Jorge Segovia, intelligence unit of the 2nd IDPA commander  Lt. Col. Cristobal Zaragosa, 2nd IDPA Warden Major Manuel Tabion, 202nd Infantry Batallion (IB) commander Col. Aurelio Baladad, 16th IBPA commander Lt. Col. Jaime Abawag, at Rizal Provincial Police Office commander P/Supt. Marion Balolong.

Ikinasa ang kaso ng anim sa mga health workers na sina Dr. Merry Mia-Clamor, Dr. Alexis Montes, registered nurse Gary Liberal, registered midwife Ma. Teresa Quinawayan, Reynaldo Macabenta, at Mercy Castro.

Anila, ginagawa nila ito upang makamit ang hustisya.

Dagdag pa ng grupo, hindi na dapat maulit ang nangyari sa kanila dahil hayagan umano itong pagyurak sa karapatang pantao.

Ani Liberal, isa sa mga nagdemanda, alam na nila ngayon ang taktika ng militar.

Ayon pa sa kanilan, matinding pananakot ang dinanas nila, na hindi kakayanin ng karaniwang tao. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply